Napalingon naman si Maria at Matthew sa pintuan kung sino ang dumating. "Oh sorry," nakangiting paumanhin ni Harold sa dalawa. "Okay lang, Dok. Pasok," sagot ni Maria na pinandilatan ng mata si Harold. "Ma'am, baka po mapagod si sir," pagbibiro ni Harold. "Kapag hindi mo ako titigilan, ikaw na talaga ang tuturukan ko," pabulong ni Maria. "Sabi ko nga, check ko na po si sir, ma'am," sagot ni Harold. "Mabuti pa at baka ikaw ang pahihigain ko riyan," wika ni Maria na narinig naman ni Matthew. "What did you say, Maria?" tanong ni Matthew. "I said pahihigain ko siya sa tabi mo hangga't hindi ka gumagaling," palusot ni Maria "Bakit? Magkakilala kayo?" tanong ni Matthew. "No!" sagot kaagad ni Maria. "Ang galing talaga mang-uto," pasaring ni Harold. "Ano? Sino?" tanong ulit ni Matthew.