Ma pa nandito na po ako" malakas na sabi ni annie papasok ng kanilang bahay. Napakunot ang noo ni Mang jun nang makita ang maraming dala ni annie. "bakit ang dami mong bitbit?" "Pa dadalhin ko bukas yan sa cebu" "Cebu?" tanung ni mang jun. "Yes pa, isasama ako ni boss magiging assistant niya ko dun" sagot niya, ayaw niyang magsabi na dahil sa memo na natanggap niya. Tumango lang ang papa niya. Siya naman ay mabilis na umakyat sa kanyang kwarto. Hindi na rin siya natulog dahil sa sobrang excitement. Inabot siya ng dalawang oras kakapili ng mga damit na dadalhin. Habang nagtutupi ay napalingon siya sa cellphone na binigay sa kanya ni adam saktong tumunog iyon. Binasa niya kung sino nagtext. Boss: you should be at the airport around 3am. Being late is not an ex