Someone POV Hindi madalaw dalaw ng antok si Annie ng gabing iyon. Iniisip kung babalik na ba si Adam ng bansa bukas. Mag-iisang linggo na kasi itong wala sa Pilipinas hindi niya pa iyon malalaman ang kung hindi niya narinig ang usapan ng mga katrabaho niyang tsismosa. "Anung araw ka ba uuwi? Hindi ka man lang nag-paalam sa akin", nagmamakatol niyang sabi habang nakatingin sa kisame. Napabalikwas siya ng upo, naiinis siya sa sarili dahil sa hindi madalaw na antok. Tumayo siya at umupo sa upuan na katabi ng kama niya. Nakita niya ang calling card sa mesa na nilapag niya. "Lawrence Montemayor Chairman of Monte Builders". Basa niya. Pinagmasdan niya muna ng ilang saglit. "Sino kaya ang taong ito." Kinuha niya ang cellphone na nasa kama at nag-search kung sino ang taong ito. Lawrence Monte