Napangisi naman si Ashley ng hindi agad nakasagot si Shantelle. Ramdam niyang naapektuhan ito sa sinabi niya. "Ano na, Shantelle? Alam mo na ngayon kung ano ang pakiramdam na iniiwan? Ilang araw pa lang kayo kasal ni Stanley pero iniiwan ka na niya sa bahay. Siguro ayaw ka na niya kasama sa pagtulog kaya hinahayaan ka na mag-isa ngayon," kutya niya. "So akala mo ba maniniwala ako sa iyo? Ano akala mo sa akin 5 years old?" tugon niya. "Akala mo ba hindi ko alam ang tungkol kina Stanley at Sassy Santos? Shantelle, alam ko na baby pa lang sila, engaged na ang dalawa," napatawa muna si Ashley at muling nagpatuloy. "Hindi lang natuloy ang kasal dahil sa nawawala at hindi alam kung saan na si Sassy. Pero ngayon na bumalik na siya at ito naman ang dapat na pakakasalan ni Stanley, magiging ka