Hindi makapaniwala si Sassy sa narinig. Ibig sabihin noong umalis siya doon nakilala ni Stanley ang babae na pinakasalan nito? "Wala ka ng pakealam kung kailan ako nagsimulang ma in love sa asawa ko," malamig na tugon ni Stanley. "Answer me! Gusto ko lang malaman kung in love ka na sa kanya two years ago. What ability does she have to attract your attention?" halata na sa boses ni Sassy ang poot at galit. Umalis lang kasi siya noon dahil nasaktan siya dahil sa ayaw siya pakasalan ni Stanley. Akala niya noon ay hindi lang ito handa at ang naisip niya na pag-alis ay para malaman kung hahanapin ba siya ni Stanley at pakasalan. Kaya lang hindi nangyari iyon at sa pag-uwi niya ay may asawa na pala ito. Nagsisisi tuloy siya kung bakit pa siya umalis. Hindi na nag-abala pang sagutin ang tan