Tila walang nagawa si Shantelle, pilit niya tinutulak si Stanley sa inis pero hindi parin nito binibitawan ang labi niya. Nang maramdaman na tila kakapusin na siya ng hininga, saka lang nito binitawan ang labi niya. Dinikit nito ang noo sa noo ni Shantelle at pabulong na sinabi, "Shantelle, bakit ba galit na galit ka sa akin ngayon?" Huminga muna ng malalim si Shantelle saka nito tinulak at lumayo. Ni hindi siya sumagot sa tanong nito. Biglang nagdilim ang ekspresyon ng mukha ni Stanley. Hindi niya maintindihan kung bakit galit na galit ito sa kanya ngayon. "Ayaw mo ba talaga sa akin kaya ka nagkakaganyan?" Tiningnan lang siya ni Shantelle, walang sagot na narinig kaya lalo siya nainis. Nilapitan niya ito at hinawakan sa baba gamit ang kanyang mahahabang daliri at bakas sa boses ang