Chapter 26

1207 Words
Agad inilapag ni Shantelle ang handbag sa sofa sa loob ng kwarto. Dumiretso agad siya ng banyo para maghilamos. Napagod siya sa maghapong pag-iikot nila ng kaibigan sa mall. At kailangan rin niyang makatulog ng maaga dahil sa pasok na siya sa trabaho. Matapos maghilamos nagbihis na siya ng pantulog at sumampa na sa kama. Bigla sumagi sa isipan niya si David, "David, bakit bumalik ka pa? At bakit ngayon pa?" Isinubsob niya ang mukha sa unan sa isiping iyon. Wala na siyang magagawa pa para maibalik sa dati ang buhay niya. Maybe it was because she was really tired and fell asleep in a daze. After an unknown period of time, she felt a scorching hot large palm touching her smooth lower abdomen. "Ha!?" napabalikwas sa gulat si Shantelle. Naaninag niya ang mukha malamig na ekspresyon nito dahil sa lampshade. "Stanley?" Hinila siya nito at mahigpit na niyakap, "huwag kang malikot gusto ka na rin matulog." Hindi na umalma pa si Shantelle, she heaved a sigh of relief, hugged the quilt to her side, and fell asleep again. Napabuntong-hininga na lang si Stanley, hindi niya alam kung paano mapapaamo ang babaeng pinakasalan niya. Sa dinami-dami ng babae na nakakasalamuha niya bukod tanging si Shantelle lang ang hindi nahuhumaling sa kanya. Hindi ito matanggap ng ego niya. Suddenly, Shantelle woke up. She waited for a while with a tense expression. Seeing that the man didn't take the next step, she could only continue sleeping peacefully. The next morning, Shantelle was woken up by the alarm clock. When she woke up, Stanley was already gone. Remembering that it was her first day at work, Shantelle quickly washed up, put on a light and elegant makeup, and stomped downstairs. "Bakit ka nagmamadali?" kakababa lang niya ng hagdanan nang marinig ang malamig na boses. "Mali-late na ako sa trabaho, puwede ba akong magpahatid sa driver mo?" "Isasabay na kita. Anyway, it's along the way!" Stanley's sexy thin lips curled up as he said this with ulterior motives. Biglang natigilan si Shantelle, "sure ka? Madadaanan mo talaga?" Alam niya na iba ang daan papuntang opisina nito. "Kung ayaw mo maglakad ka na lang," inis na wika nito. "Sasabay ako sa iyo," agad na tugon ni Shantelle. Hindi siya tanga para maglakad papuntang trabaho. "Mag-breakfast ka muna," wika nito at dumiretso na sa dining area. Agad naman sumunod si Shantelle. Pagdating sa dining kumuha lang siya ng dalawang toasted bread at bottled milk at sinabi, "puwede na ba tayong umalis? Mali-late na talaga ako." "Hindi ka puwedeng kumain sa loob ng sasakyan ko." Sa inis, sunod sunod na kinagat ang toasted bread at mabilis na nginuya. Agad siyang uminom ng gatas nang maramdaman na tila mabibilaukan na siya. Napangiti si Stanley sa ginawa ni Shantelle. "So, puwede na ba tayo umalis?" wika niya nang malunok na lahat ng nasa bunganga niya. Agad niyang pinunasan ang kanyang bibig. Agad na rin ito tumayo ng makita na naubos na ni Shantelle ang kinakain nito. Sabay na nilang tinungo ang sasakayan. Stanley himself drove a car and his two bodyguards followed closely behind. Plano sana ni Shantelle na sa likuran maupo, ngunit nang makita ang biglang pagdilim sa mukha ni Stanley. Wala na siyang nagawa kundi ang buksan ang unahang bahagi ng pinto ng sasakyan at doon maupo. Itinuon ni Shantelle ang paningin sa labas ng bintana ng sasakyan. Habang nakatanaw sa tanawin sa labas, muli na namang sumagi sa isipan niya ang sinabi ni Reynald. Parehong may ugnayan sa Santos family ang pamilya nina Stanley at Reynald. Paano kung bumalik ang babae na para kay Stanley? Ibig sabihin magiging third party na lang siya? Tila nagising sa malalim na pag-iisip si Shantelle nang maramdaman na biglang huminto ang sasakyan. Sumilip siya sa labas ng bintana at nakita niya na nasa harapan na sila ng Brills building. "Bababa na ako," paalam ni Shantelle sabay bukas ng pinto. "Wait!" pigil nito sa kanya. "What? May sasabihin ka pa ba? Late na ako." "Wala man lang ba kiss?" wika nito sabay nguso. Napairap na lang si Shantelle, bahagya siyang lumapit para humalik. Bago pa man nailapit ni Shantelle ang mga labi niya kusa na itong lumapit at siniil siya ng halik. Nanlaki ang mga mata ni Shantelle sa ginawa nito. Bahagya niya itong tinulak para makawala siya. Agad naman itong bumitaw. "Huwag kang magkakamaling magkaroon ng ugnayan sa ibang lalaki, kung hindi..." "Kung hindi ano? Papatayin mo ako?" "Alam mo ang kahihinatnan mo." "Nagseselos ka ba?" Stanley replied coldly. "When I get jealous, you won't be far from death." "Huwag kang mag-alala alam ko na may asawa na akong tao, kaya huwag mong iisipin na manlalaki pa ako." Stankey stared at her for two seconds before letting go. He said lightly, "call me if you need anything." Napatango na lang si Shantelle at lumabas na ng sasakyan. Huminga muna siya nang malalim bago humakbang papasok ng building. Nakadalawang hakbang pa lang siya ng may biglang huminto na itim na sasakyan. Agad lumabas ang sakay nito. Nanlaki ang mga mata ni Shantelle sa gulat ng makilala kung sino iyon. "David?" kunot noong sambit niya. "Good morning Director Silva," bati ng ilang kababaihang nakakita kay David. Lalong napakunot ang noo ni Shantelle. "Shantelle, bakit ganyan ang mukha mo?" "Ano ang ibig sabihin nito? Bakit ka nila tinatawag na Director?" "Dito na ako magtatrabaho, bakit masama ba?" "Pero bakit? Bakit hindi ka na lang bumalik sa ibang bansa?" David said with a hint of sadness, "for you, I've decided to stay." "David, bumalik ka na sa ibang bansa. Alam ko iyon ang pangarap mo." "Sino ka ba para magdesisyon sa buhay ko, ha?" David glared at her in anger and pain before he turned around and walked into the hall. Tila tinusok ng libo libong karayom ang puso niya nang marinig ang sinabi ni David. Ramdam niya ang galit at poot sa tono ng boses nito. Pinilit niyang huwag tumulo ang luha, nagmadali siyang tinungo ang elevator at pinindot ang button papunta sa ikaapat na palapag. Paglabas niya ng elevator agad niya tinungo ang opisina ni Director Kelly Brills. Kelly stared at her with an impatient look on her face. "Shantelle, why have you come so late?" "Sorry, Director, I was stuck on my way here." Shantelle's mood was in a mess as she tried to force an excuse. "Forget about today. Starting tomorrow, you must be here by eight. Can you make coffee?" Kelly Brills had the tone of a superior. "Ha?" nagulat si Shantelle. Bakit siya magtitimpla ng kape? Assistant Fashion designer siya nito, hindi ba? "Kung hindi ka marunong magtimpla, hayaan mong turuan ka ni Rona," ang tinutukoy nito ay ang kanyang secretary. Hindi na nakakibo pa si Shantelle. Hindi niya maintindihan kung bakit ba talaga siya tinanggap nito. "Shantelle, we have a meeting dalhin mo ito," utos nito sabay tayo. Kinuha ni Shantelle ang mga files at agad na sumunod sa meeting room. Pagkapasok ng meeting room namataan ni Shantelle sa loob si David. Umupo siya sa tabi ni Kelly. "Mr. Silva, mag-umpisa ka na," wika ni Kelly na ang mga mata ay nakatuon kay David. David straightened his clothes, stood up and walked to the projector.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD