Ramdam ni Shantelle na nagpipigil lang ito kaya hindi na siya sumagot pa. Ayaw na niya sagarin ang pasensya nito at baka may gagawin na talaga itong hindi maganda sa kanya. "Bakit ganyan ka makatingin?" Kunot noong tanong niya ng makitang titig na titig ito sa kanya. "May gusto lang ako gawin sa iyo," nakangising wika nito sabay hakbang papalapit sa kanya. "Stanley, binabalaan kita. Kung ano man iyang nasa isip mo huwag kang magkakamaling gawin iyan sa akin ngayon!" "Ano ba ang iniisip mo na gawin ko sa iyo? Gusto ko lang naman halikan ang asawa ko." Pagkatapos sabihin iyon ay hinawakan nito ang panga niya. Dahan dahang ibinaba ang ulo para halikan si Shantelle. Ipinikit naman ni Shantelle ang mga mata at pilit na isinara ang bibig habang ang mga kamay ay nakatakip sa dibdib. Bago pa