Halos hindi ako makaramdam ng kapaguran sa aming pag-lalakad. Paminsan minsan tinitignan ko ang guwapo niyang mukha Pag hindi siya nakatingin sa akin.
Inaya niya ako maupo sa Isang ilalim ng Puno. hinubad niya ang itim na jacket niya para ilapag sa lupa at duon niya ako pinaupo. Pagkaupo ko umupo din siya sa tabi ko. heto na naman ang puso ko hindi na yata titigil sa pagkabog.
"Hindi mo ba nami-miss ang maynila? ang alam ko matatagalan ka yata dito?"
Bigla ko naitanong sa kanya. Tinitigan ko siya nakita ko ang pagseryoso ng kanyang mukha habang deretso lang ang kanyang tingin.
"Hindi siguro"
Tipid na sagot niya.
"Ikaw hindi kaba naiinip dito? Bakit hindi mo man lang subukan ang pumunta sa ibang lugar?"
Tanong naman niya sa akin.
"Ok na ako dito sa lugar kung saan lumaki si daddy"
Sagot ko naman sa kanya.
"Paano pag nagkaroon ka ng pamilya at isama ka niya palayo dito?"
Tanong ulit niya sa akin. hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. dahil kahit kailan hindi iyon sumasagi sa isip ko na lilisanin ko ang lugar na ito para sa lalaking Mamahalin ko.
"Hindi ko alam. basta gusto ko dito lang ako. Gusto ko ang simpleng buhay ko dito"
Seryoso na sagot ko sa tanong niya.
"Ikaw Ashlem? diba lumaki ka sa maynila? siyempre hindi ka sanay sa ganito na kasimple na buhay. paano kung dumating yung araw na kailangan mo tumira dito?"
Bigla ko naitanong sa kanya. dahil gusto ko malaman ang sagot niya.
"Hindi ko pa alam. tulad ng sinabi mo sanay ako sa buhay na kinalikahan ko. Mag-kaiba kami ni Kuya lambert"
Nakaramdam ako ng kalungkutan sa naging sagot niya. Malayong malayo nga kami sa buhay na aming kinalakihan.
Naghari ang katahimikan sa amin na tila ba bawat isa sa amin ay may malalim na iniisip. Nawala lang iyon ng may mag-ring na phone. Alam ko na hindi sa akin iyon dahil naka silent ang phone ko.
"Yes hello? Wala ako sa condo ko! para maniwala ka mag-punta ka! Ohh c'mon shiela! No don't!!"
Bigla na niya ini-off ang phone niya. Sino kaya si Shiela? tanong ko sa sarli ko.
Nakita ko na napatingin siya sa phone niya at sabay tingin sa akin.
"Sophia puwede ko ba makuha number mo?
Sabi niya sa akin sabay abot ng phone niya sa akin. Gusto ko tumili sa kasiyahan dahil sa sinabi niya at sa phone niya na nasa harapan ko. Pero dahil dalagang mahinhin ako hindi ako nagpahalata.
Kinuha ko ang phone niya at nilagay ko ang number ko sabay soli ko ng phone niya sa kanya.
"Thank you"
Nakangiti niya na sabi sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya. Inaya na niya ako bumalik sa malaking bahay. pumayag din naman ako. Baka nanduon na din si Cardo para sunduin kami ni maria.
Habang sa daan panay tawa ko sa kanya. kasi ang dami niyang kalokohan na kinukuwento. Kaya nalaman ko ang malaking pagka-kaiba nga nila ni lambert. Dahil si lambert kahit minsan hindi ko nakita na nagbibiro ng ganito ng katulad ni Ashlem ngayon.
Malapit na kami sa malaking bahay ng bigla siya huminto sa pag-lalakad. Kaya napahinto din ako.
"Bakit?
Pagtataka ng tanong ko sa kanya.
"Ang bilis ng oras ano?"
Bigla niyang nasabi na napako pa ang tingin niya sa akin. Dahil kasi sa bigla niya na paghinto sa pag-lalakad kanina napatingala ako sa kanya habang mag-kadikit na ang balikat namin.
Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya dahil nakatitig siya sa labi ko at parang unti-unti na bumaba ang kanyang mukha sa akin. Hindi ko alam kung napapikit naba ako dahil para ako natulala sa pag-katitig ko naman sa mukha niya na unti-unti lumalapit sa labi ko.
"Piiiiiiiiiiiiiitttttttt!!!!!!"
Malakas na tunog na tila padiin na sinadya na pinatunog ang busina ng isang sasakyan.
"Fu****k!!"
Narinig ko na bulong ni Ashlem.
Napatingin naman ako sa pinang-galingan ng tunog. Nakita ko si Cardo at Anna na nakatingin sa amin. Kaya bigla ako kinabahan sana hindi nila nakita ang muntikan na mangyari kanina. bulong ko sa isip ko.
"Ahhm Ashlem Uuwi na ako"
Sabi ko sa kanya. Napansin ko na napatingin pa siya sa labi ko. tumango lang siya at muli kami sabay na nag-lakad papunta sa tapat ng bahay dahil nanduon din ang sasakyan ni Cardo na naghihintay sa akin pati si Maria na titig na titig sa akin.
"Señorita uwi na po ba tayo?"
Narinig ko na tanong ni Cardo sa akin.
"Maria si stella? mag-papaalam sana ako sa kanya"
"Señorita Sophia nagbilin po siya kanina kay Lorena na huwag daw po sila istorbohin sa kuwarto ni señorito Lambert e"
Sagot sa akin ni Maria. Sumakay na si Maria ng sasakyan. Kaya napatingin na ako kay Ashlem. Ngumiti naman siya sa akin at tumango. Ngumiti na lang din ako. Sumunod na ako kay maria papasok sa loob ng sasakyan.
Habang papalabas ang sasakyan ni Cardo sa Hacienda Casivue ang ganda ng ngiti ko. Ngayon ko lang talaga naramdaman ang ganito.
"Señorita bakit po?"
Nagulat pa ako sa biglang pagsalita ni Maria sa tabi ko. Nakalimutan ko na naman nasa tabi ko pala siya.
"Wala maria' May naalala lang ako"
Sagot ko na lang sa kanya. Napansin ko ang Pasimple nilang tinginan ni Cardo.
Dahil naka silent ang phone ko Naramdam ko naman na nag vibrate ito. Kaya pasimple ko ito na tinignan.
Unknown number: "it's me' Ashlem save my number ingat ka"
Kakaibang pakiramdam ang bumalot sa puso ko. Gusto ko magtatalon sa loob ng sasakyan. pero hindi ko magawa dahil mahahalata ako ni maria at Cardo.
Gusto ko sana isagot sa message niya na Yes nai-save na kita sa puso ko mula ng iligtas mo ako. Pero siyempre hindi ko gagawin iyon. itinago ko ng bahagya kay maria ang phone ko para masagot ang message ni Ashlem.
"Sophia: Yes Na save ko na number mo. ok din mag-iingat ka"
Bigla ko naman sagot sa message niya. Pero hindi pa nag-tatagal sa bulsa ko ang phone ko bigal ulit ito nag vibrate.
Ashlem: Nasa bahay lang ako. bakit kailangan ko mag-ingat? dapat ang sinabi mo na lang mag-ingat ang puso ko"
Napaisip ako sa message niya na nabasa ko..