Natapos ang Isang buong maghapon hindi talaga ako nakaalis ng Hacienda para magpunta sa kabilang Hacienda.
Habang kumakain kami ni Aron ng hapunan kanina ko pa siya gustong tanungin kung bakit ganoon siya makatingin sa akin. Pero hindi ko na lang ginawa.
Pagkatapos namin kumain Patalikod na sana ako para pumunta na sa kuwarto ko ng bigla nagsalita si Aron.
"Binibini bukas pupunta ako ng Hacienda Casivue kailangan ko makausap si Lambert Casimiro"
Dahil sa kanyang sinabi bigla ako napalingon sa kanya.
"P'puwede ba ako sumama?"
Tanong ko sa kanya. Hindi ko alam kung anong reaksyon ang nakita ko sa kanyang mukha dahil bigla niya nakita ang kasiyahan sa akin dahil sa aking sinabi.
"Sige"
Matipid lang niya na sagot sa akin.Tumalikod na ako sa kanya pero hindi ko alam kung anong kasiyahan na naman ang lumulukob sa aking puso. Ang laki ng pagkakangiti ko habang paakyat ako sa aking kuwarto hanggang sa makatulog din ako.
Kinabukasan pagdating namin sa Hacienda Casivue Wala si Stella nasa Malaking bahay daw nila Rafael at Savannah kasama ang kambal Ayon na din kay Manang.
Hinatid ulit kami ni Cardo sa Manggahan dahil nanduon daw si Lambert na ang tanging sadya talaga ni Aron. Pagdating sa Manggahan kaagad din nagpaalam si Cardo sa amin at babalik na lang daw siya para sunduin kami ni Aron.
Nakita agad namin si lambert na Inaasahan talaga niya ang pagdating ni Aron. Nag-paalam ako sa kanila na maglalakad muna ako para makapag usap sila. Kaagad naman sumang-ayon si lambert kaya wala ng nagawa si Aron. Kaagad ako tumalikod palayo sa kanila.
Malayo na rin ang nailakad ko mula sa kinaroroonan nila lambert at Aron ng mag vibrate ang phone ko. Kaya kaagad ko ito na tinignan.
"Ashlem: Tila Isa kang diyosa na naglalakad habang nasisinagan ng araw Puwede ba ako na maging sumbrelo mo binibini? Para iyong maging pananggalang sa sinag ng araw na tila nabighani na rin sa'yo tulad ko"
Bigla ko nailibot ang aking paningin sa paligid ko. Dahil alam ko na nasa paligid lang siya at nakikita niya ako. Hindi naman ako Nagkamali dahil nakita ko siya na nakasandal sa malaking Puno.
Kaagad ako lumapit sa kanya. Habang papalapit naman ako nakita ko na hinubad niya ang kanyang jacket at nilapag sa damuhan.
Pagkalapit ko kanya sabay kami naupo pasandal sa Puno.
"Bakit hindi ka nagpunta dito kahapon?"
Pagtatanong agad niya sa akin.
"Dumating kasi si Aron na pansamantala na mamahala sa Hacienda"
Sagot ko naman sa kanya. Nakita ko ang pagseryoso ng mukha niya dahil napalingon ako sa kanya.
"Hmm.. Siya ba iyong kasama mo na dumating?"
Tanong niya ulit sa akin.
"Yes"
Matipid ko naman na sagot.
"Namiss kita"
Narinig ko na sinabi niya kahit pabulong lang niya ito naibigkas na sumabay sa lakas ng ihip ng hangin.
"Anong sabi mo?"
Tanong ko sa kanya.
"Wala! Sabi ko sana lagi kitang makita dito"
Sabi niya sa akin nang nakangiti. Pero hindi iyon ang narinig ko na sinabi niya.
"Puwede ba kita ayain bukas maligo sa batis na tanging ikaw lang?"
Sabi ulit niya sa akin. Dahil sa sinabi niya na tanging ako lang napalingon ulit ako sa kanya. Pero nagulat ako dahil ang guwapo niya na mukha ay malapit na sa mukha ko.
Heto na naman ang puso ko ang lakas na naman ng t***k. Nagtatalo na naman ang isip at puso ko. Nakita ko na unti-unti lumalapit ang guwapo na mukha ni Ashlem sa akin.
Hindi ko alam kung pipikit ba ako? inisip ko na lang kung paano ang mga ginagawa ng mga nababasa ko sa mga romance novel.
Nakita ko na malapit na ang labi niya sa labi ko. Nakita ko din na napapikit na siya. Unti-unti napapikit na din ang mata ko. Naramdaman ko ang mainit na labi niya na lumapat sa labi ko.
"Ohhh my gosh!!! heto ang First kiss ko!!!"
Sinisigaw ng isip at puso ko. Hindi ko alam kung paano tumugon sa halik niya kaya nanatili na nakasara ang labi ko.
Tanging labi lang niya ang kumikilos. marahan na nilalasap ng labi niya ang labi ko. Pero napaungol ako dahil mula sa labi niya lumabas ang mainit na dila niya para pabukahin ang labi ko.
Dahil sa ginawa niya napakapit na ako sa batok niya. Naramdaman ko naman na yumakap na siya sa bewang ko.
"Open your mouth Honey.."
Narinig ko na pabulong na sambit niya. Kaya sa muling paglapat ng labi niya naibuka ko na ang labi ko. Naging marahs na ang halik niya pero nanduon pa rin ang paggalang dahil tila alam niya na wala pa ako karanasan sa ginagawa namin.
Malikot ang dila niya sa loob ng labi ko. hindi ko alam kung paano tugunin ang kanyang ginagawa. Habang magkalapat ang aming mga labi napa-paungol ako sa mainit na halik niya. Na tila lason na halik para sa akin. Na para bang na kapag tumigil siya ay muli ko itong hahanap-hanapin.
Hindi ko alam kung gaano katagal ang halik na aming pinagsaluhan na siya na rin ang kusa na tumigil.
"Hindi ako pinatulog ng labi mo na iyan. Pero ngayon naman na natikman ko na para naman ako mababaliw kung hindi ko ulit iyan matitikman"
Sabi niya sa akin habang pinupunasan niya ang labi ko. Nag-tataka ako ano pupunasan niya sa labi ko? e wala naman ako lipstick para masabi na nagkalat dahil sa maalab na halik na ginawa niya.
"First kiss mo honey?"
Tanong niya sa akin. habang kinabig pa niya ang bewang ko para lalo mapadikit sa kanya. Hindi ko alam kung sasagot ako sa kanya ng "Yes first kiss ko iyon" Pero alam ko naman na naramdaman niya na unang halik ko iyon.
"Oo"
Sagot ko na lang sa kanya.
"Ang swerte ko pala"
Narinig ko na sagot niya sa akin. Inangat ng Isang palad niya ang baba ko para mapatingin sa kanya.
"Dahil ako ang First kiss mo! Gusto ako din ang huli"
Pagkasabi niya ng mga salita na iyon muli na naman naglapat ang aming mga labi. Sa Pagkakataon na ito unti-unti ko ng tinutugon ang halik niya. Pero agad din naman na naghiwalay ang mga labi namin.
"Hinihintayin kita bukas dito pupunta tayo sa batis"
Sabi niya sa akin habang magkalapit pa rin ang mga labi namin.