Nasa kusina na kami ni Stella habang tinutulungan ko siya na mag-ayos sa lamesa ng mga niluto ni Manang.
"Sophia diba marunong ka magluto? minsan mag bonding naman tayo sa pagluluto"
"Sibe ba! kailan mo ba gusto?"
Tanong ko naman sa kanya, Isa sa gawaing bahay ang pagluluto ang maipagmamalaki ko.
Dahi kahit na nag-iisa akong anak ni Don felife Mondragon. Na ang akala ng lahat ay isa akong Prinsesa na inaasa ang lahat sa aking Personal na laging kasama na si Maria.
Hinde nila alam habang lumalaki ako sa loob ng hacienda nililibang ko ang sarili ko sa mga pwede ko na matutunan tulad nang ilang gawain sa bahay.
Sinubukan ko din ang magtrabaho para gamitin ang aking pinag-aralan, Pero labis na tinutulan iyon ni daddy dahil hinde ko na daw kailangan ang magtrabaho dahil nag-iisa lang naman daw niya ako na anak,
Kaya sa akin naman daw mapupunta ang buong Hacienda. Na hinde ko naman alam kung paano pamahalaan dahil hinde din naman niya ako tinuturuan.
Ang katwiran naman niya darating daw ako sa tamang panahon na kailangan ko nang pamahalaan ang buong Hacienda at meron daw ako makakatuwang sa pagdating ng panahon na iyon.
"Sa makalawa sana pumunta ka dito kaarawan ni Lambert magluluto lang tayo ng konti, Tayo-tayo lang naman dahil hinde din siya mahilig sa malaking okasyon at hinde din niya hilig ipagdiwang ang birthday niya na maraming tao. Sapat na kasi sa kanya na pamilya lang niya ang kasama niya sa importanteng araw na iyon"
Mahabang paliwanag sa akin ni Stella,
"Hi Darling..'
Nakangiting bati ni Stella kay Lambert na kakapasok pa lang sa pintuan ng kusina, Lumapit naman siya kay Stella sabay halik na naman sa labi nito.
Napailing na naman ako hinde ba nahihiya ang dalawa na ito sa kanilang ginagawa kahit na may tao. Nabaling pa ako kay lambert wala kasi sa itsura niya na ang sobrang lambing, At wala din sa itsura niya na kaya pala niyang ipakita sa mga tao kung paano siya magmahal. Dahil masyado siyang seryoso ni hinde ko nga siya nakikita na tumawa, Nakikita ko lang na ngingiti lang siya tanging kay Stella lang.
"Nasaan pala si Ashlem?'
Narinig ko tanong ni Stella dahil mag-isa lang si Lambert na umuwe ng bahay galing sa manggahan.
"Kinuha ang isang kabayo sa kwadra darling may pupuntahan yata siya"
"Ganoon ba.. Sinabe ba niya darling sayo kung saan siya pupunta?"
"Hinde ko na tinanong malaki na siya para pakielaman ko pa ang buhay niya. Hmmm.. Darling bakit interesado ka malaman kung saan pupunta si Ashlem! Gusto mo bang sakalin ko siya sa leeg mo!"
Nagulat ako sa tila pagalit na boses ni lambert kay Stella. Pero hinde ko nakita ang takot sa mata ni Stella, Bagkus napangiti pa nga siya sa naging reaksyon ni lambert. Nakita ko din na may binulong siya kay Lambert dahilan para mapatingin naman sa akin nang seryoso si Lambert.
Bigla naman nag vibrate ang phone ko dahilan para maiwasan ko ang seryosong tingin ni lambert sa akin dahil sa sinabe ni Stella.
"Ashlem: Honey Nandiyan kaba sa bahay ngayon? Hintayin mo ako diyan pauwe na ako"
Bigla na ako lumabas sa Kusina para iwanan ang mag-asawa pero narinig ko pa na may sinabe pa si Stella,
"Sophia yung napag-usapan natin ahh!"
Hinde na ako tumgon sa sinabe ni Stella at hinde na din ako lumingon para tignan siya, Dahil hinde ko alam kung para saan yung sinabe niya.
Kung alin ba sa Pinag-usapan namin ang nais niyang ipaalala sa akin. Paglabas ko naman ng kusina wala si Maria ang ibig sabihin nasa itaas siya sa kwarto ng kambal kung saan nanduon din si Lorena.
Kaya nagmadali ako lumabas ng bahay nila Stella, Sa labas ko na lang hihintayin si Ashlem dahil ayoko makita ang tila maraming tanong sa mata ni Lambert at sa matang panukso ni Stella.
Kaagad ko naman nakita ang paparating na Kabayo na sakay nito si Ashlem. Kaagad din naman niya pinatigil sa harapan ko ang kabayo at nilahad sa harapan ko ang kanyang isang palad niya. Na kaagad ko naman inabot at sabay hila na niya sa akin para makasampa ako sa kabayo.Pag-upo ko habang siya naman ay nasa likod ko Nagtanong muna siya sa akin.
"Marunong kaba sumakay sa Kabayo?"
"Oo naman!"
Tugon ko naman sa kanya, Marunong din ako Mangabayo dahil pag nasa Hacienda si Daddy madalas ito ang bonding namin. Na ngayon ay sobrang miss ko na, Dahil ang tagal na niyang hinde umuuwe.
Dahil sa naging sagot ko sa kanya, Pinatakbo na niya nang mabilis ito, Dahilan para maramdaman ko ang katawan niya na lalong dumikit sa likod ko,
"Ang bango naman ng buhok mo"
Narinig ko pa na sinabi niya, Nakarating kami sa isang gubat ipinasok niya ang kabayo sa loob nang gubat pero sa tingin niya ay hinde na kakayanin ng Kabayo na dala niya na dalhin kami hanggang sa batis na kanyang Sinasabi.Iniwanan niya ito sa malaking Puno at itinali. Kaya nilakad na lang namin ang may kalahati na siguro na masukal na loob nang gubat papunta sa batis. Hawak niya ang kamay ko dahil sa medyo madulas ang aming nilalakaran.
Pagdating naman sa batis na kanyang sinasabi, Bumitaw ako mula sa kanyang pagkakahawak at lumapit sa ilog, Labis ako nasiyahan sa nakikita ko, Mayroon pala kagandang lugar dito sa loob ng Hacienda Casivue. Naramdaman ko na may pumulupot na dalawang braso sa katawan ko.
"Maganda ba?"
Tanong sa akin ni Ashlem habang nakayakap siya sa akin mula sa likod ko. At yung baba naman niya ay pumatong sa kaliwang balikat ko.
"Alam mo ba na Sobrang importante kay Kuya Lambert ang lugar na ito? Dati kasi kahit sino pwede na pumunta dito basta nagtatrabaho sa Hacienda. Pero mula nang makilala niya si Stella ay wala na siyang pinayagan na pumunta dito ng kahit na sino"
Hinde ko alam kung bakit sinasabi niya sa akin ang mga iyon, Pero nagtanong pa rin ako sa kanya.
" Eh bakit tayo nandito? kung importante pala ang lugar na ito kay lambert? At wala siya pinapayagan na magpunta dito ng kahit na sino!"
Naramdaman ko na humigpit pa ang pagkakayakap niya sa akin.
" Gusto ko kasi malaman o maranasan kung totoo ang sinasabi ni Kuya na may kakaiba daw dito sa batis. Pinaranas daw ng batis na ito kung paano magmahal at mahalin. Binura din daw ng batis na ito ang galit sa puso niya habang kasama niya dito ang babeng mahal niya..