Eurie's Pov: Isang mariing halik sa aking mga labi ang kaniyang ginawa at ramdam ko sa halik niyang iyon ang kawalan niya ng bait. I-Ito ba ang sinasabi niyang parusa? Ngunit bakit? A-Ano bang ginawa kong mali kaagad? Napakamapilit ng kaniyang dila na tila nagnanais na buksan ko ang aking nakatikom na bibig. Napakapit na lamang ako sa kaniyang suot na suit at pinilit kong itulak siya palayo ngunit iniyapos naman niya sa aking katawan ang kaniyang mga braso ng mahigpit. Nhhh!!! "N-Nigel, n-nasasaktan ako," ani ko nang tanggihan ko ang kanyang halik at ibaling ko sa ibang direksyon ang aking ulo. Sandali siyang natigilan. Bahagyang lumuwag ang pagkakayakap niya sa akin at isang malalim na pagbuntong-hininga na lamang ang narinig ko nang isandal niya ang kaniyang noo sa aking balikat. "