Eurie's Pov: Ewan ko... pero parang may kakaiba kay Nigel. Napayakap na lang ako sa aking sarili habang pinagmamasdan ko sila ni Kyrie na magkasamang nagbabasa doon sa may veranda. Usually kasi, kahit nandito si Nigel ay nakakulong lamang siya sa kaniyang kwarto at nagtatrabaho pa din, hindi naman sa ayaw ko dahil nakikita kong sobrang saya ni Kyrie sa tuwing kasama niya si Nigel pero kasi... hindi talaga maalis sa isip ko ang mga nangyari kagabi; inaasahan ko talagang mas lalong magiging malamig ang pakikitungo niya sa amin. "Mama! Mama!!!" tawag sa akin ni Kyrie at ngumiti ako sa kaniya. Bumaling din sa akin ng tingin si Nigel ngunit walang ekspresyon sa kaniyang mukha. "Mama, have you ever been to the beach? Is there really a shark there?" tanong sa akin ni Kyrie. Naglakad ako pap