Maddie's Pov: Kahit na sinabi ni mommy na wala na siyang magagawa kahit magpakasal kami ni Benj ay hindi pa rin talaga namin napaplano ang lahat tungkol dito. Unang-una ay hindi ko pa ito naipapaalam kay lolo at pangalawa ay pareho pa kaming abala sa aming mga trabaho. Patapos na ang grading period kaya naman napaka-busy ko talaga at ang tanging oras ko na lang ata para sa kaniya ay ang pakikipag-usap ko sa kaniya sa cellphone ng ilang minuto. "How was your day? Ayos ka lang ba?" tanong ni Benj sa akin at naririnig ko mula sa kabilang linya ang tunog ng speaker at boses ng nars na nagsasalita dito. Sa tingin ko ay naka-duty siya ngayon sa ospital. "I'm a bit tired pero okay lang, sanay naman ako," sabi ko at nangunot ang noo ko. "Nasa ospital ka ba? Hindi ba dapat ay mamaya pa ang shift