Eurie's Pov: Hindi ako nakaimik nang sabihin niya iyon. Para akong nabingi ngunit alam kong narinig ko nga ang kaniyang sinabi. Ang lakas ng t***k ng puso ko na halos nais nang kumawala sa loob ng dibdib ko! Hindi naman ako makakilos sa aking kinatatayuan sa labis na pagkabigla. A-Anong gagawin ko? Maingat niyang iniikot ang aking katawan upang harapin ko siya at napatitig ako agad sa kulay tsokolate niyang mga mata. "About your question kung ilan ang babae ko, I was just teasing you earlier but I swear, I have none." Hinaplos niya ang aking mukha habang direktang nakatingin sa akin. Para akong nahihipnotismo dahil hindi ko maiwasan ang mga titig niya. Nadadala ako sa magaganda at nakakalunod niyang mga mata. "T-Totoo ba? T-Totoo bang... wala kang ibang babae?" Marahang nagsasalit-sa