Margaret's Pov: "T-Talaga po? P-Pwede ko ng... maiuwi ang anak ko?" tanong ko sa madre na siyang namumuno ng shelter at halos maiyak talaga ako nang malaman kong aprubado na ang mga papeles para makuha ko na si Ella. Pinamadali ko na ang pag-aasikaso dito ngunit inabot pa rin ng ilang araw gayon pa man ay ayos lang, at least ngayon makakasama ko na siya! Makakasama ko na... ang aking anak! Mikaela!!! "Yes po, Ms. Margaret! Pwedeng-pwede niyo na po siyang iuwi," ngiti sa akin ni sister Hannah. Nang marinig ko iyon ay maluha-luha akong napangiti at tumangu-tango sa kaniya, "Thank you! Thank you so much!" "Pakihintay na lamang po sandali at inihahanda lamang ang mga gamit ng bata. Papunta na din po sila dito," sabi pa niya at nakaramdam na ako ng kaba. Alam ko, alam kong magtataka at