Nang makita ni Jenna na biglang umandar ang sasakyan ay halos lumuwa ang mga mata nito; nagulat siya sa labis na pagtataka kung bakit ito biglang umalis kaagad. "Miss Maureen!!! Miss Maureen!!! Kyrie!!! Kyrie!!!" hiyaw ni Jenna kasabay nang bigla niyang pagtakbo para habulin at pigilan ang sasakyan ngunit hindi niya ito naabutan. Nagpabaling-baling siya sa paligid ngunit tila may mga sariling mundo ang mga tao doon. Hindi niya din sigurado kung iniutos ba ni Maureen na umalis na o may iba pang dahilan. Nataranta si Jenna at hindi siya makapag-isip ng maayos. Dali-dali siyang bumalik sa clinic upang ipagbigay alam ang nangyari ngunit sa pasilyo pa lang ay nakasalubong na niya sina Margaret. "Mi-Miss Margaret! Miss Maddison!!!" kabadong-kabado na sambit ni Jenna ng kanilang mga pangalan.