"O-Operasyon!? D-Dok, p-pagkatapos po ba ng operasyon na iyon ay gagaling na ang mama ko!?" Kuyom ang mga kamao kong nakatitig sa lalaking nakasuot ng puting damit habang ang mga mata ko'y tila nais siyang kumbinsihin na oo ang kaniyang isagot ngunit— "Ikinalulungkot ko. Nagkaroon na siya ng komplikasyon at dahil sa kondisyon nya ngayon ay hindi ko masisiguro ang kaniyang kaligtasan ngunit kung nais natin siyang maligtas ay kailangan nating subukan." Mabilis na pumatak ang mga luha sa magkabila kong mga mata. Nanginginig ako sa takot at pangamba na baka... b-baka mawala na nga si mama! H-Hindi! Hindi ko hahayaang mangyari iyon pero... anong gagawin ko!? Operasyon!? Saan ako kukuha ng pambayad doon!? "M-Magkano po ba... ang halaga ng operasyon na iyon!?" "300 thousand ang estimated hin