Eurie's Pov: Pagkatapos ng araw na iyon, naging napakabilis na ng lahat. Agad-agad ay nagligpit na kami ng mga gamit para lumipat na sa mansyon ng mga Montecillo at tuluyan na naming iiwan ang bahay ni mama. Wala ng taong titira dito ngunit hindi ko ito nais na ipagbili sa halip ay napagpasyahan kong ipaayos na lamang ito ng paunti-unti kung sakaling makaipon man ako. "Mama, where are we going?" tanong ni Kyrie. Nilingon ko si Kyrie matapos kong isilid ang ilang mga damit sa maleta. Huminga ako ng malalim kasabay ng matipid na ngiti. "We're going to your papa's house. You want to live with him, right?" tanong ko sa kaniya at agad na umaliwalas ang kaniyang mukha. "Oh, really mama? Wow! I really wanted to be with papa! We will gonna play and we will eat together and we will going to be