Eurie's Pov: Gabi na nang makauwi ako. Naratnan kong masayang naglalaro ang dalawang bata kasama sina Jenna at Maddie doon sa may sala. Napansin kong mas naging masaya si Kyrie simula nang dumating si Mikaela dito sa mansyon; sabagay kasi ay puro kasambahay at si Jenna lang ang nakakalaro niya noon ngayon ay may isa na ring bata na tulad niya ang kasabay niyang tumatawa. Pagpasok ko pa lang ng pinto ay agad na nila akong binalingan ng tingin. Lumawak lalo ang ngiti sa mukha ni Kyrie at patakbo itong sumalubong ng yakap sa akin. "Mama!!!" Kahit na pagod ako sa trabaho ay napapagaan talaga ni Kyrie ang pakiramdam ko sa mga simpleng yakap at halik lamang niya. Siya talaga ang dahilan kung bakit hindi ako sumusuko. "How's your day? Behave ka ba?" tanong ko at tumangu-tango ito. "Yes mama