Eurie's Pov: Sa sobrang pag-aalala ko para kay Kyrie, umuwi kami ng eksakto ni Nigel. Gusto ko ng makita ang kapatid ko at mayakap siya! Pagdating namin ng mansyon ay nagkalat na nga ang maraming guard sa paligid at tila nagdagdag pa sila ng ilan pang CCTV! Mukhang pati ang lolo ni Nigel na si Don Alejandro ay labis ding nangamba para sa kanilang kaligtasan! Medyo nakokonsesnya tuloy ako na kami pa ang nagdala ng kahihyan at kapahamakan sa kanilang pamilya. "Mama!!! Papa!!!" masayang bungad na pagbati sa amin ni Kyrie nang makita niya kaming pumasok mula sa pinto at agad niya kaming nilapitan para yakapin. Nayakap ko din siya ng mahigpit at kahit paano ay napanatag ako. "Nigel," tawag ni Maddie sa kaniyang kapatid. Nilingon naman siya nito at nabakas namin ang pangamba sa anyo ni Madd