Eurie's Pov: Hindi ko inaasahan na si Margaret pa ang makikipagsagutan kay Alona. Napansin kong tila magkasundo na ata sila ngayon ni Nigel? Hmn, mabuti naman. Nang umalis sina Nigel ay nabalot pa rin ng katahimikan ang buong departamento. Lahat sila ay nakatitig lang sa akin at alam kong napupuno ng katanungan ang kanilang mga isip. Tikom ang bibig ko at umiiwas ang aking mga mata sa kanilang mga tingin nang marahan akong umupo sa aking upuan. Hindi ko talaga alam kung paano pa ako kikilos ng maayos dito ngayon. Bigla namang hinarap ni Ivy ang mga katrabaho namin at mabagal na ipinalakpak ng malakas ang kanyang mga kamay para pukawin ang kanilang atensyon. "Oh, the show is over! Go back to your work! Now!!! Now!!!" ani Ivy at agad na nila akong inalisan ng tingin saka sila nagsikilos.