"I'm glad you still know me," ngumisi ang lalaking nakatayo sa harapan ni Margaret. "Here." Iniabot ni Ivan ang palumpon ng bulaklak kay Margaret at animo'y nanaginip naman ang babae. Takang-taka siya kung bakit naroroon si Ivan gayong ang alam niya ay sa Japan na ito nakatira. Pakiramdam niya tuloy ay nananginip siya. "I-Is that— is that really you, Ivan? A-Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Marga na pinapakalma ang kaniyang sarili dahil sobrang bilis na ng t***k ng puso niya. "Why? This is my hometown, right?" matamis na ngiti sa kaniya ng lalaki at ginabayan siya sa kanilang mesa. Hinatak ni Ivan ang upuan at pinaupo si Margaret saka naman ito naupo sa katapat na upuan. "I just came back here a month ago. How are you?" Nangunot ang noo ni Margaret at naisip niyang... ganoon ba talag