Eurie's Pov: Wala akong nagawa kung hindi ang payagang sumama ang lalaki sa munti naming bahay. Nangungunot ang noo ko lalo na nang bumaba kami ng sasakyan niya at ilang mga mata ng mga tsismosa naming kapitbahay ang agad na nakita ko. Kinuha ni Nigel ang mga pinamili ko na ako dapat ang magdadala. Napatikom na lang ako ng aking bibig dahil inagaw niya ang mga ito mula sa kamay ko. Naglabasan pa ang mga Marites kaya napatakip ako sa aking noo dahil nakaramdam na naman ako ng stress. Siguradong topic na naman kami sa buong baranggay nito mamayang hapon hanggang sa buong linggo! "Papa, come on!" masayang hatak ni Kyrie sa kamay ni Nigel papasok ng aming bahay. Nginitian lang siya ni Nigel at walang reklamong sumunod sa bata. Medyo nairita ako dahil pakiramdam ko ay naitchapwera ako bigla.