Narating nila ang restaurant kung saan makikipagkita sina Maureen at Kyrie kay Jake. Nahuli na sila ng limang minuto ngunit mas huli pa sa kanila ang lalaki. Halos tatlumpong-minuto pa bago ito nakarating. "What the hell, Jake!? Bakit ang tagal mo!?" angil ni Maureen sa lalaking umupo sa kabilang bahagi ng mesa. "Bakit ba nagagalit ka? Naririto na nga ako," sabi ng lalaki at binalingan ng tingin ang bata. "So, is this my daughter?" "Are you my real father?" taas kilay na tanong ni Kyrie na ginagaya ang ina. Ngumiti si Jake ng may pagka hindi kumportable kay Kyrie at inabot nito ang isang malaking kahon bilang regalo sa bata. "Here for you, my baby girl." "Is this suhol?" direktang tanong ni Kyrie at bahagya siyang tinapunan ng tingin ni Maureen. Mariing nagtikom ng bibig ang bata nan