Marga's Pov: A-Anong ginagawa nila dito!? B-Bakit sila nandito!? Akala ko kanina ay namamalikmata lamang ako pero nang muli ko silang lingunin ay doon ko nakumpirma na hindi nga ako nagkakamali! N-Nandito nga sina Maddison at kasama niya sina lolo at ang anak ni Nigel!!! B-Bakit naman sa dinami-dami ng simbahang malapit dito ay dito pa talaga sila napadpad!? Tch! Agad akong nagpaalam kay Ella at tumakbo palayo sa pangambang makita nila ako. Nagtago ako ng sandali sa may gilid ng shelter na malapit sa inuupuan ni Ella sa pag-aakalang napadaan lamang sila ngunit... tila nagkamali ako! Nang muli ko silang silipin mula sa likod ng mga malalaking bariles at ilang nakatambak na gamit na kinukublihan ko ay nakita kong palapit sila kay Ella! Tinawag pa ng anak ni Nigel ang pangalan nito at tak