HALOS hindi kayang ipaliwanag ni Divlen ang nararamdaman niya sa oras nang iyon. Ngunit mas pumaibabaw pa rin ang sakit sa puso niya. Gustong pumatak ang kanyang mga luha. Subalit pilit pa rin niyang pinigilan ang pag-agos nito, nasaktan siya dahil sa nakita niyang magkasama si Jamela at Collin. Nasaktan siya dahil hanggang ngayon ay mahal pa niya ito. "Sorry, I'm late." Paumanhin ni Divlen sa lahat at sabay lapit sa kanyang upuan. Agad namang tumayo si Herrera at hinila niya ang upuan para kay Divlen. "Thanks!" turan niya, sabay ngiti na mas lalong nagpapalakas ng t***k ng puso ni Herrera. At si Collin ay lihim namang nakaramdam ng selos para sa kanila. "Mameta, napakaganda mo tonight," nakangiting sabi ni Clyde. "Salamat, baby." "Now let's eat!" Alok ni Tom. Nagsimula na sila