LORABEL “Where are you?” Pakiramdam ko ay tumigil ang lahat sa paligid ko nang marinig ko ang tinig ni Uncle Zarex mula sa kabilang linya. “Bakit mo tinatanong? May kailangan ka na naman ba, Tandang Zarex?” naka-ngiting tanong ni Brando habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Ramdam ko ang mabilis na pintig ng aking puso habang nakatingin sa kaibigan ko. Isang pagkakamali lang niya ay siguradong malalaman ni Uncle Zarex kung nasaan ako, kaya umiling agad ako nang magtama ang aming mga mata. “Answer my damn question, Brando! Kasama mo ba si Belle? Where is she?” sunod-sunod na tanong ni Uncle Zarex. “Bakit sa akin mo siya hinahanap? Tanungan ba ako ng nawawala mong babae?” aroganteng sagot at tanong rin ni Brando. “She's missing,” narinig kong sabi ni Uncle Zarex. “And you are one

