LORABEL Hindi ko alam kung anong oras na ako nagising, pero nangunot ang aking noo nang magmulat ako ng aking mga mata at nakita kong nakahiga ako sa malapad na kama katabi si Uncle Zarex. Nasapo ko ang aking noo dahil nakakaramdam ako ng labis na pagkahilo. Makirot at masakit rin ang aking dibdib, kaya napangiwi ako nang gumalaw ako dahil nanuot ang matinding kirot sa aking kalamnan. Inalis ko ang nakayakap na braso ni Uncle Zarex sa aking bewang. Bumangon ako at dahan-dahang sumandal ang likod ko sa headboard ng kama dahil nahihirapan akong huminga. Napakatigas ng aking mga dibdib. Basa na rin ang damit-pantulog na suot ko nang hawakan ko ang kanang dibdib ko, kaya napapikit ako at kinagat ang aking ibabang labi dahil hindi ko makayang tiisin ang sakit na nararamdaman ko. Napaiyak

