Chapter 114

2145 Words

LORABEL Gabi na kami nakarating dito sa isla. Madilim na ang paligid nang lumapag ang chopper sa isang basketball court at may sumalubong na babae sa amin ni Brando. “Mabuti naman at ligtas kayong nakarating dito sa isla,” nakangiting salubong sa amin ng babaeng sumundo sa amin dito sa plaza. “Opo, magaling ang piloto namin,” nakangiting sagot ni Brando. Hinayaan ko siyang makipag-usap dahil abala ang aking paningin sa pagsuyod sa paligid. Marami akong nakitang puno ng niyog sa paligid. May mga bahay rin akong nakita na nakatayo malapit sa plaza, pero hindi ko ito masyadong naaninag dahil sa kadiliman ng buong paligid. “Ma'am, Sir, alis na po kami,” paalam ng piloto sa amin ni Brando. “Sige po, maraming salamat sa paghatid sa amin, Kuya,” nahihiyang sagot ko. Gusto ko sanang abuta

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD