LORABEL “Paano? I mean, ngayon lang ako nakarating dito, pero bakit nasabi mo na nakapunta na ako dito sa bahay mo?” nagtatakang tanong ko kay Uncle Zarex. “Because you already visited here twice,” sagot niya, dahilan kaya nanlaki ang aking mga mata. “Kailan?” Hindi sumagot si Uncle, pero narinig ko siyang nagpakawala ng malalim na buntonghininga. “Eat your breakfast while it is still hot,” sabi niya sa akin. “Pero nag-uusap pa tayo,” mabilis kong sagot. “We will talk about that later kapag tapos ka nang kumain.” Seryoso ang ekspresyon ni Uncle Zarex, kaya hindi na ako nangulit sa kaniya dahil mukhang hindi rin naman siya magsasabi sa akin ng gusto kong malaman kung hindi ko gagawin ang sinabi niya. Tumayo na ako at lumapit sa center table. May nakahandang fresh juice, kanin, a

