LORABEL Gumanda ang pakiramdam ko matapos mabusog ang bunso ko. Nabawasan na ang gatas sa aking dibdib at ganoon din ang pananakit nito, kaya nakahinga ako nang maluwag nang ilapag ko sa kama ang anak ko. Nakatulog siya sa kandungan ko. Masarap din ang tulog ng panganay ko, kaya hindi ko muna siya ginising dahil iyakin siya kapag biglang nagising at naistorbo ang tulog. “Magpahinga ka na, ako na muna ang magbabantay sa mga anak natin,” sabi ni Uncle Zarex sa akin. “Hindi nila kailangang bantayan,” sagot ko. “Mahimbing ang tulog nila, kaya bukas pa sila magigising.” Hindi na sumagot si Uncle Zarex. Nakatingin lang siya sa akin at pinagmamasdan ako. Kinakabahan rin ako at may alinlangan sa isipan ko dahil hindi ko alam kung paano siya kakausapin ngayong kaharap ko na siya. Kahit nagal

