She is wearing a very simple white T-shirt na may mickey mouse na tatak at high waisted Short's na pinarisan niya ng puting sneakers. Day off niya ngayon at niyaya siya ni Adam na mag date. Excited siyang lumapit kay Pookie at pinisil pisil ang cute na pisngi nito.
"Ano sa tingin mo Pookie ? Ayos ba itong suot ko ? " Natatawang tanong niya sa inosenteng tuta na nakatingin lang sakanya.
Ilang linggo na din silang mag kasintahan ni Adam pero dahil nga sa tago ang relasyon nila ay madalas na dito lang sila sa apartment o hindi kaya ay sa mansion ng binata. They will just cuddle , watch a movie and play a card games na laging kinaiinisan ng binata dahil palagi itong natatalo.
Mabilis na tumayo si Calla at iniwan ang tutang nag lalaro sa kanyang kama upang pag buksan ang kumakatok sa pintuan niya.
Agad na nag liwanag ang kanyang mata ng makita ang gwapong gwapong binatang nakatayo sa harapan niya.
"Hey " he said and lean to peck her lips na ikinapula niya. Hindi talaga siya masanay sa biglaan pag halik ng binata sa kanya. "Hindi ka talaga nasasanay ? "
Sumimangot lang siya at niluwagan ang pinto uoang makapasok ang binat. Adam is just wearing a simple cargo navy blue shorts at white V-neck t-shirt bakat na bakat tuloy ang magandang hubog ng katawan nito sa damit niya.
"Tapos kana bang pag nasaan ako ? " He said smirking while looking at his woman checking him out.
Mabilis na nag iwas ng tingin si Calla at mabilis na tumalikod upang itago ang pag kapahiya.
"A-ang hangin ah ! " She said at nag lakad palapit sa sofa upang kunin ang kanyang shoulder bag "T-tara nga ! " Wika niya at nauna nang nag lakad palabas.
As Adam can't help smiling while looking at his Calla. Ay mabilis na niya itong sinundan.
"I'm just kidding " He whispered to her ears at mabilis na hinuli ang kamay ng dalaga upang mapag siklop ang kanilang mga kamay.
Nang nasa sasakyan ang dalawa ay hindi talaga binitawan ni Adam ang kanyang kamay. Agaw eksena tuloy sila sa chismosang kapitbahay ni Calla na halos ipasok na ang ulo sa tinted na sasakyan ni Adam. Nakasuot din kasi ito ng sunglasses at cup kayat hindi makita ang mukha.
"Saan mo gustong pumunta ? " Adam said "You wanna watch a movie ? "
Agad siyang nag isip. Saan nga ba , gusto sana niyang pumunta sa amusement park pero baka hindi ito magustuhan ng binata.
"Sige sine nalang " she said
Adam slowly move their intertwined hands to his lips to kiss her hand. She find that gesture sweet kahit hindi niya maiwasan ang mapangiti.
"Tell me where you want to go ? " He said na tila nabasa nito ang nais niya.
Nahihiyang tumungo lang siya bago nag salita.
"Amusement park sana , pero baka kasi ayaw mo kaya manood nalang tayo "
Hindi kasi niya alam ang mga gusto ng binata. She wants to knew him well pero sa loob ng ilang linggo ay hindi pa nila napag uusapan ang mga sarili nila.
"What's bothering you My Calla ?" Malambing na sabi ni Adam at mabilis na sumulyap sa kanya. Simula ng maging totoo ang relasyon nila ay halos hindi na niya makilala ang binata. Adam is indeed a softy and sweetman, malayong malayo sa lalaking una niyang nakabanga Sa harap ng Nexus Club.
"Well .. " panimula niya " I-ilang linggo na din kasi tayo but we still didn't know each other that well "
Gusto niyang mag tanong sa binata kung ano ang mga bagay na gusto nito pero kinakabahan at nahihiya siya.
"Well. If you really want that why don't we play a game ? "
She frowned at sumulyap sa binatang seryosong nag mamaneho.
"Anong klasing laro naman ? " She asked.
"How about a question and answer game. You asked me questions and i will answer it with honesty the rules goes same as mine. "
Well that's a clever game. Mabilis na tumango si Calla.
"Game ! Ako na ang unang mag tatanong "
Adam chuckled bago ito tumango kayat nag isip siya ng itatanong sa binata.
"Anong favourite color mo ? "
"Wala nabang mas mahirap ? " Natatawang tanong ni Adam Kaya't napasimangot si Calla " okay ! Okay I'll answer it. Well my favourite color is black. How about you ?"
Mahilig siya sa pastel color pero mas naattract talaga siya sa mga dark color.
"Maroon ang akin. Anong favourite mong pag kaen ? "
Tila nag iisip pa ang binata nago ito sumagot.
"I love sinigang. Lalo na yung luto ni mommy, hands on siya saamin Kaya't lahat ng pag aasikaso ay siya ang gumagawa. Ikaw anong pag kaen ang paborito mo maliban saakin ? "
Agad na pinamulahan ng mukha ang dalaga at mabilis na hinampas ang braso ng binatang tawa ng tawa.
"A-ang kapal mo ! " Inis niyang wika " Itlog ang paborito ko ! "
Adam just chuckled at tapped her head. Ang cute kasi ni Calla kapag namumula maski ang ilong nito ay namumula din Kaya't hindi niya mapigil ang sariling asarin ito.
"Close ba kayo ni Kuya Lucifer ? " Tanong niya.
Mabilis na sumulyap lang si Adam sakanya bago ito bumuntong hininga.
"Hindi kami close ni kuya dati " panimula nito " mag kapatid lang kami sa ama. At first hindi matanggap ni kuya si Mommy at ako but eventually he accepted us. Since then we became close "
Tumango tango lang si Calla. Hindi niya alam na ganito pala ang mag kapatid. But now she can see how Lucifer loves his brother.
She can see it in his eyes. Kung sana lang ay may kapatid din siya.
"How about you nasaan ang pamilya mo ? "
Natigilan si Calla sa tanong ng binata. Of course ito ang itatanong ni Adam , pilit siyang ngumiti at umiwas ng tingin.
"My father died when i was around 19 years old " She said and sighed. "Fresh graduate "
Nalungkot tuloy siya ng maalala ang ama. Her father is the sweetest man she knew.
"Hindi mo kailangan ituloy kung ayaw mong pag usapan Baby " Adam said pero umiling lang siya. She wants to tell him her past. She felt comfortable telling him her past.
"Ayos lang " she said " Ang nanay ko naman ay inawan ako nung baby palang ako. So nung mamatay ang daddy ko ay naiwan ako sa pangangalaga ng step mother ko "
Kitang kita ni Adam ang pag balatay ng lungkot sa mukha ng dalaga. How Calla's jolly face was replaced by sadness. iniisip niya palang na matulad siya sa dalaga ay parang hindi niya kakayanin. Humigpit ang hawak niya sa manibela bago mag salita. He wants to know.
"Did they treat you well ? "
"They didn't... " Mahinang bulong ng dalaga " n-nga pala sa day off ko gusto mo bang ipag luto kita ng sinigang ?"
Alam niyang iniiwas lang ng dalaga ang kanilang topic kayat hindi na din siya nag pumili. Maybe her life back their is jot that nice that Calla wants to forget that.
"Sure ! Basta masarap ah " nakangiting wika ni Adam.
" Oo naman masarap talaga ako mag luto ! "
Hindi na nakipag talo pa si Adam. He can't argue with her. Madalas na si Calla ang nag luluto para sa kanila tuwing day off ng dalaga. Wala siyang alam sa pag luluto , gusto niya sana itong pag aralan dati pero mas pinili niyang mag focus sa business nila ng pamilya.
"Nandito na tayo " magiliw na wika ng binata bago naunang bumaba ng sasakyang upag pag buksan ang dalaga.
As see saw how her eyes sparkled with happiness he suddenly felt happy and contented too. Sana lang talaga ay wag itong sumakay sa mga agaw buhay na rides baka iyon pa ang maging caused of death niya .
----
"Ayos ka lang ba ? " Tanong ng dalaga sa binatang namumutla "Okay ka lang ba ? "
Matapos kasi nilang sumakay sa roller coaster ay naisip niya ang freesbee na hindi naman tinanggihan ng binata. Kayat akala niya ay sanay ito da mga ganoon rides. But seeing him now , ay malamang na nag kamali siya ng judgement.
"I-Im fine " He said "s-saan tayo next ? "
Nag aalalang hinaltak niya ang binata paupo sa bench marahan niyang pinunasan ang pawis nito
"Bibili lang ako ng tubig " she said pero mabilis na hinawakan ng binata ang kamay niya.
"Okay lang ako My Calla " Adam said and caressed her cheeks. "Wag nalang tayong sumakay ulit sa freesbee okay "
Natatawang tumango nalang siya at idinantay ang ulo sa balikat ng binata.
"I'm so happy " mahinang bulong niya. "18 years old ako nung huling makapunta sa amusement park. Kasama ko pa si daddy noon , ayaw kasing sumama nila tita Almira dahil may lakad daw sila ji Tiffany that time . "
Hindi umiimik si Adam at nakatingin lang sa dalagang may bahid ng lungkot ang mga mata.
"Ang saya saya ko noon. Pero napalitan iyon ng lungkot ng maaksidente ang daddy "
Naalala niya pa noon kung paano masagasaan ang ama. Kitang kita niya kung paano ito bawian ng buhay sa harapan niya. Pauwi na sana sila noon 'Dahil nga nasa kabilang side nang kalsada ang sasakyan ng kanyang ama ay kailangan pa nilang tumawid ng makita ng kanyang ama ang mabilis na pag takbo ng isang itim na sasakyan. Ang tanging nagawa lang ng kanyang ama ay ang itulak siya upang mailigtas ang buhay niya.
Naramdaman ni Calla ang pag galaw ng binata. Adam caressed her cheeks and wipe her tears away. Dati ay siya lang ang gumagawa nito sa tuwing malungkot siya. But now she has Adam by her side.
"We're here to have fun and not to make you feel bad. I'm sure that wherever your father is ? He's happy watching you. Getting proud of what have you became. So please " Adam said " Stop being sad "
Matamis na ngumiti si Calla bumalik na ang dating sigla ng mukha ng dalaga.
"Sakay na tayo ng freesbee ulit ? "
Agad na sumama ang mukha ni Adam sa sinabi nito kayat malakas siyang napatawa.
"Joke kang tara sakay tayo sa carousel ! "
As he watch her laughing. Ay mas lalong bumilis ang t***k ng puso niya para sa dalaga , he is just holding her hand not wanting to let her go. Mag kahawak ang kamay nila habang nakasakay sa kabayong paikot ikot lang. He can see how happy she is. And he felt proud and happy that he is the man who can make her smile like there is no problem in the world.
Until a gun shot filled his ears. Ang tanging nakikita niya lang ay ang puti nitong tshirt na nababalutan ng dugo.
"N-no !" He shouted as Calla's body drop on the wooden floor.