Matapos manood ng Cine ay pumasok kami ni Miggy sa isang mumurahing fast food chain. Sabay kaming nag off para sa naudlot na lakad namin dahil sa pag ka VIP ng baklang ito. Matapos mag order ay nag kwentuhan lang kami.
"Alam mo Callalily !" Inis na wika nito kayat napakunot noo ako " Yung bagong waitress aba ! Kung makalingkis akala mo jowa ko. Hindi yata alam na bekiboom ako at gusto ko din ay boylets."
Natawa nalang ako ng umirap ito saakin. He even made gestures na mag papakita talaga ng kabaklaan nito.
"Sagutin mona kasi " natatawa kong wika. Natatawa na din ako na halos hindi na humiwalay kay Miggy ang bagong waitress na si Mia.
Sa totohanan lang maganda si Mia medyo mataray at prangka lang pero mabait naman.
"Grrr ! Kadiri kang babaita ka ! Kung maging lalaki ako malamang na mas ligawan pa kita kaysa sa malanding babaeng iyon " Wika niya na may pag nginig pa.
"Di din kita sasagutin " irap ko dito. Malay mo si Mia pala ang sagot para maging lalaki itong si Miggy. Sayang naman ang gwapo pa namang bakla nito.
"Umamin ka nga saakin Calla " Napatingin ako kay Miggy ng sumeryoso ang boses nito. Mataimtim itong nakatingin saakin na parang binabasa niya ang nga mata ko.
"May relasyon ba kayo ni sir Adam ? "
Napatanga ako sa narinig. Paano niyang nalaman , I gulped and look away. Haist bakit ba ako kabado e Fake relationship lang naman iyon ?
"W-wala ahh ! " Pag tanggi ko. Hindi na nag salitq pa si Miggy layat nakahinga ako ng maluwag.
"I saw two birds kissing on the tree " Kanta ni Miggy kayat halos mabilaukan ako sa sarile kong laway.
"A-ano ba yang kanta mo bakla !? " Inis kong wika at kumuha ng tissue para punasan ang bibig ko.
Bwiset talagang bakla nato. I know that he knew something. Pero hindi niya ako pinipilit na mag sabi kayat kung mag pasaring ay wagas.
Nakita niya kayang hinalikan ako ni Adam sa storage room ?
"What ? " He innocently asked. "Kumakanta lang naman -- Aray naman ! Mapanakit kang bruha ka " reklamo niya ng kaltukan ko ang ulo niya.
"Ikaw bakla tantanan mo ako sa pasaring mo ah ! Kung ayaw mong ipagahasa kita kay Mia !"
And that is Miggy's biggest nightmare. Agad na sumama ang mukha nito at may panginig pa.
"Kadiri ka ! That is a nightmare ! " He's face is really disoriented habanag sinasabi iyon " Oo na ! I saw gou and sir Adam. Nag chuchukchaka. Kayo ! "
Ako naman ang pinamulahan ng mukha sa kanyang sinabi. Lintik na Adam to kapag nalalasing kung ano ano ginagawa!
"A-anong chukchakan ! Hoy siya yung humalik saakin saka diko gusto yon no ! "
Hindi ko alam kung maiinsulto ako sa mukha ni Miggy o hindi e. Paano ba naman kung makatingin akala mo naman pinag pilitan ko yung sarili ko sa lalaking iyon.
"Weh ? "
Lintik na bakla to !
"Kaibigan ba talaga kita ? "
He rolled is eyes at malanding pumilantil ang mga daliri.
"You know that your my Frenny Callalily ! E kasi naman ang hirap paniwalaan na hindi mo na gustuhan yun e kung ako yon ? " He said and flustered. Malandi talaga ! " Baka nilaplap ko na siya !"
"Eww ! Kadiri ka ! " Bulyaw ko sabay irap. Good thing at dumating na ang inorder namin kayat natahimik na ang bakla.
Matapos kumaen ay mapag pasiyahan namin na mag window shopping nalang muna , pampalipas ng oras. Ilang shop ba ng clothing line ang napuntahan namin ? Wala pa yata itong balak na mag pahinga kung hindi pa ako nagalit.
"Napaka KJ mo talaga Calla ! " Inis na wika niya at nag papadyak pa na parang bata. "Sayang wala si Papa Cloud ano ? "
Isa pa iyon. Mabuti nalang din talaga na hindi na sumama si Cloud saamin. Crush ko si Cloud dati , i find cute kasi saka mabait siya. Pero nung nanligaw siya saakin e parang nailang na ako.
"Suwerte mo sis. Mabait si sir Cloud pero mailap sa mga babae. Ewan ko chaka ka naman pero bakit ka niya bet ? "
Tinaasan ko lang siya ng kilay ng may maalala akong itatanong sakanya.
"Bakit nag t-trabaho si Cloud sa club kahit mayaman siya ?
Malalim siyang bumuntonghininga. Bakit ? Ano bang mayroon kay. Cloud ?
"Dati kasi ay nakulong na si sir Cloud dahil sa pinag babawal na gamot." Panimula niya
Napatanga ako sakanyang sinabi. Hindi kasi halata kay Cloud na gagawa ng ganoon. I mean napakabait ni Cloud?
"But don't judge him okay. " He said" He was dumped by his fiance , kasal nila noon at hindi sumipot ang bride niya. Saksi kami kung gaano kamahal ni sir Cloud si Blue. They were both inlove until the wedding. Halos hindi na umalis si sir Cloud sa simbahan at umaasang darating pa si Blue "
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Gusto kong umiyak dahil sa awa kay Cloud.
"Months passed by akala namin na okay na si sir Cloud pero nabalitaan nalang namin na nakulong siya. And the rest is story , alam kong wala akong karapatan na i kwento sayo ang nakaraan ni sir Cloud pero pinag kakatiwalan kita Calla Kaya sana alagaan mo si sir Cloud. Kung may relasyon man kayo ni sir Adam ay wag mo g paasahin si sir Cloud dahil minsan na siyang nasaktan na sumira sa buhay niya. "
----
Nakatulala lang ako at paulit uliy na nag iisip.
"Ikaw lang ulit ang babaeng pinapasok niya sa buhay niya simula ng umalis si Blue "
Agad akong napailing at mas pinili nalang ang maligo. Mayamaya lang ay darating na si Adam dahil ngayon ang usapan namin na pupunta kay Abuela. Nag suot lang ako ng jeans at tshirt. Naiirita kasi ako kapag mag dress kulang nalang ay mahubadan ako sa mga pinapasuot ni Adam.
Isang oras pa ang lumipas at heto ako ngayon lulan sa sasakyan ni Adam. Wala ako sa mood magsalita kayat hindi na din ako umiimik tutal hindi din naman nag sasalita itong kasama ko.
Naiinis padin kasi ako sa lintik na lalaking ito ! Ang sarap sampalin!
"Bakit dimo ginamit yung binigay ko " pag basag niya sa katahimikan.
I rolled my eyes. Hindi ko inaalis ang tingin sa labas ng bintana.
"Hindi pa ako nakakapag laba "tinatamad kong wika at nanatiling nakatingin sa labas ng bintana. Masyado kasi akong naging busy sa club. Madalas na inaabot na ng umaga ang mga costumer na halos gawing comfort room ang club. Yung iba naman ay halos gawing hotel ang club kayat panay ang Overtime namin. Ayos na din iyon dahil malakas sa tip at dagdag sahod.
"It's been a week dimo padin nalabhan ? Ang tamad mo naman "
Inis na binalingan ko siya. Busy ito sa pag mamaneho Kaya't malaya kong napag masdan ang gwapo niyang mukha.
Agad akong napailing saaking naiisip. Nakakaiinis ! Ang gwapo kasi ang hirap mag pabebe.
"Busy ako sa trabaho okay ! "
He just tsked.
"Nakasimangot ka nanaman " he said " bakit ba kapag ako ang kasama mo lagi kang nakasibangot ? Pero pag si Cloud kulang nalang mapunit yang bibig mo ! "
Paano nanaman napasok si Cloud sa usapan. Kawawa naman yung tao baka nabulunan na.
"Paanong hindi sisimangot ! Lahat yata ng Pang lalait sinabi mona saakin ! At saka bakit ba laging sumisingit si Cloud sa usapan ? Bakit selos ka Kyaaaah ! Papatayin mo ba ako ! "
Paano ba naman kung makapreno wagas. Sa inis ay binato ko siya ng tissue na nasa gilid na mabilis niyang naiwasan.
"Look here ! " He said. "I will never be jealous , At bakit naman ako mag seselos ? Bakit gusto ba kita ? Di ako mag kakagusto sa isang hampas lupa !"
Hayop talaga manglait ! Tapos kapag mag tanong kung bakit laging mainit ulo ko sakanya ganoon nalang.
"Tignan mo ! Tapos tatanungin mo ako kung bakit kumukulo dugo ko sayo !? Ayan kung makalait ka wagas ! Kung hampas lupa ako e ikaw ano ? Hampas tiles ? "
Bwiset na lalaki to ang lakas manlait grabe. Diko akalain na May papalit na pala sa trono ni Lucifer sa kawalangyaan.
"Don't talk back ! May kontrata tayl ! " Sigaw niya.
"Lecheng kontrata yan ! Paandarin mo na yung sasakyan bwiset ka !
----
"Calla my dearest !" Bati ni Abuela ng makapasok kami sa mansion " You look beautiful dear "
Matamis naman akong ngumiti at nakipag beso sakanya. Abuela still really look stunning kahit may katandaan na.
"Maganda din po kayo Abuela " I said. Sa loob ng dalawang buwan ay naging malapit na saaking ang pamilya ni Adam. Maski ang ina at ama niya ay hindi maipag kakailang mabuting tao. Diko nga alam kung bakit ganito ang ugali ni Adam ? Baka ampon siya ? O di kaya napulot sa tae ng kalabaw ?
"Take a sit dear " Abuela said.
"Nasaan po si Abuelo ? " Tanong ko. Diko kasi ito nakita kanina.
"Nag papahinga na dahil masama ang pakiramdam " Abuela said with a hint of sadness in her voice " You know we're getting old. Hindi natin malalaman kung kailan tayo mamamatay."
"Matagal pa iyon Abuela. Kaya wag kana malungkot " I said
"Teka nasaan naba si Adam ? " Takang tanong nito. "Tell me Calla , pinapabayaan. Kaba ng apo ko ? "
Natawa ako sa naiisip. Hindi lang pinapabayaan Abuela , laitero pa sarap kutusan.
"H-hindi naman po mabait si Adam at mahal niya ako " Baka mahal ? E halos isumpa nga mukha ko sa tuwing nag kikita kami. Daig pa si Miggy makipag talo geez !
"Abuela !" Masayang bati ni Adam gwapo talaga ang mokong. Pero mas napatulala ako ng may isa pang lalaki ang sumunod sakanya kasama ang isang napakagandang babae na may kalakihan ang tiyan at may hawak na dalawang bata sa mag kabilang kamay niya.
"Abuela ! " Masayang bati ng mga bagong dating at humalikkay Abuela.
"Hi ! " The woman with a beautiful dace said ", You must be Calla , I'm Tequila Lucifer's wife "
Pag papakilala nito. Shook ! Lucifer Harris ! Yung singer oh my god ! Idol na idol ko ito at eto ang asawa niya ? Wala akong masabi napakaganda !
"O-oh i-i --- " hindi ko mahanap ang sasabihin dahil na star struck ako sa mga kaharap. Lucifer Harris never denied or hide his relationship with his non-showbiz wife , hanga ako dahil madami ang artisitang itinago ang mga ka partner for the sake of popularity.
"Awww she's so cute " Tequila squiled. Nanigas nalang ako sa aking kinauupuan ng yakapin niya ako ng mahigpit. "I like you na !"
Nahihiyang napatungo nalang ako. Nakakahiya talaga!
"Mukha kang tanga !" Rinig kong bulong ng hudyo na nakaupo na pala sa gilid ko. Naramdaman ko nalang din ang kamay niya na nasa bewang ko kayat nailang ako. "Kuya this is my girlfriend Calla "
Agad namang lumapit saakin si Lucifer Harris at pormal na nag pakilala. My god kapatid nito si Adam ? Bakot ba dikona tinignan ang possibility na iyon ?
"I'm Lucifer Harris pleasure to meet you " He said.
Nanginginig pa ang kamay ko ng abutin ang kamay niya. Grabe ang lambot !
"C-calla Di magiba po " I said stuttering
"Wag ka nang mahiya saamin Calla . Sure naman akong sa mga susunod na taon mas madalas na tayong mga kikita kita " makahulugang wika ni Lucifer at naupo sa tabi ng kanyang asawa at kinandong ang kanyang kambal na anak.
"Ang ganda ng lahi namin ano ? Inggit ka no ? Lahi mo kasi mga chimpanzee "
Bwiset talaga tong lintik na Adam na ito. Ang lakas manlait.
"Maganda nga ang lahi niyo wala akong masasabi doon pero minsan talaga naiisip ko na ampon ka ! Ang baho ng ugali mo " Irap ko at tumayo ng hawakan ako ng isa sa kambal na anak nila. " Hello baby "
"Tita !" Masayang wika nong babae at nag pabuhat saakin kayat agad ko siyang pinangko. "Danda ! "
"Aww it's seems like my daughter loves you na " Wika ni Ate Tequila
"Mahilig po sa maganda ang baby niyo. " Natatawang biro ko.
"Well no argument with that " natatawang wika ni ate Tequila "Ate p-pwede po ba ako mag pa picture sa asawa niyo ? "
Nahihiya kong bulong na kami lang ang nakakarinig. Mahina itong natawa bago tumango.
"Oo naman ! Baby come here " ate Tequila said kayat tumayo si Lucifer sa kanyang kinauupuan buhat ang baby nilamg lalaki
"Picture daw kayo ni Calla Fan mo yata "
"Sure !"
----
"Mag iingat kayo sa byahe " Abuela said and kissed my chheks " I don't want you to go home "
Natatawang niyakap ko si Abuela
" Babalik nalang po ako next sunday " I said " mag pahinga na po kayo."
Naunang umuwi ang mag asawa dahil inaantok na daw ang kambal gusto pa sana nilang mag tagal ngunit hindi maari dahil sa cute na cute nilang mga baby
Ang cute din ng name. Lucian Yko and Yssabel Margarita Aki. O diba pang sosyal.
"O sige na bumiyahe na kayo at baka gabihin kayo lalo " wika ni Abuela kayat tumango nalang ako . Gusto kona din talagang umalis dahil sa mga kamay ni Adam na palaging nakahawak sa bewang kk o hindi kaya sa kamay ko.
Nang makasakay ng kotse ay tahimik kaming nag byahe hanggang sa binasag ni Adam ang katahimikan.
"May asawa na ang kuya ko kaya wag kang mag laway sakanya !"
Agad akong napalingon sa lalaking nag mamaneho na hindi maipinta ang mukha.
"Ano nanaman pinag sasabi mo ? Diba pwedeng idol ko lang siya !" Bukod sa gwapo nitong mukha ay magaling din itong kumanta.
"Tsk ! Kaya pala halos hindi kana mapakali kanina "
"Bahala ka sa buhay mo " bored kong wika at muling sumilip sa labas ng bintana. May regla nanaman si Adam mahirap makipag talo dito.
"Kailan pala ulit ang off mo ? " Tanong nito.
"Baka wala akong day off dahil kailangan kong mag ipon. " I said.
Minamadali kona din ang pag iipon para kapag natapos na ang kontrata ko kay Adam ay ay aalis na ako ng maynila.
"Bakit ba taeng-tae ka makapag ipon? "
Epal talaga lahat nalang pinapakialaman. Sabagay konting pera nalang at makakaalis na ako sa buhay ko dito. Binalik ko kasi kay Adam yung ibang pera niya dahil sa napakalaking halaga noon.
"Aalis na ako dito para dikona makita yang pag mumukha mo!" I said.
Mahabang katahimikan nanaman ang bumalot sa loob ng sasakyan ng mag salita si Adam.
"A-alis ka? " He asked in a different tone "S-saan ka pupunta? "
I sighed. Saan nga ba ? Maski ako ay hindi ko pa alam kung saan ang punta ko.
"Oo! At wag mo ng alamin kung saan ako pupunta baka mamaya marealize mong may gusto ka saakin at habulin mo pa ako " natatawang wika ko.
"A-ang kapal talaga ng mukha mo! " He hissed. " Dikita magugustuhan !"
Malungkot akong bumaling sa may bintana at hindi na nag salita. Alam ko Adam , alam kong dimo ako magugustuhan Kaya't gusto kong iligtas ang sarili ko sayo.
"Salamat sa pag hatid " wika ko " Ingat ka "
Bababa na sana ako ng pigilan niya ako sa pag baba. He hold my wrist that made me look at him. He cleared his throat bago bitawan ang kamay ko. He immediately step out of the car bago nag lakad sa kabilang side at pag buksan ako ng pinto. Wow anong nakaen nito ang bait!
"S-salamat." i said "ano nakaen mo ? Bakit ang gentleman mo ngayon? "
He groaned bago ako irapan. Napapadalas pag irap nito iisipin kona talaga na bakla ang mokong eh.
"Masama bang alagaan ang girlfriend ko."
And that word hits me hard that my heart keeps on beating so fast. Agad akong napakurapkurap at nag iwas ng tingin. Madyadong pa fall! Hmp.
"Bahala ka" I said and rolled my eyes " papasok na ako."
"Wait!"
Pinag mamasadan ko lang siya.
He opened the back door of his car. Nanlaki ang aking mata ng ilabas niya ang isang parang box na may takip na tela.
"Ano yan?" I said while looking at it " baka granada yan ah!"
Agad itong sumimangot kayat tumahimik na ako.
"Tanggalin mo kaya yung takip." Inis niyang wika. May menstruation yata hihihi.
Hindi na ako nakipag talo at tinanggal na lang ang takip nung box. Nanlaki ang aking mata ng makit ang isang cute na cute na siberian husky!
"A-ano to?"
"Mukha bang pusa yan!"
"Bakit may ganito!? "
He rolled his eyes bago ibigay saakin ang may kalakihan na cage.
"Alagaan mo para hindi mona hiramin tuta ng kapitbahay mong panget!" He said at nag martya papasok sa kanyang sasakyan. Pero bago pa siya pumasok ay muli siyang tumingin saakin at ngumiti. "Goodnight My Calla."
Hindi ko alam kung joke lang iyon o kung totoo pero nag lulumukso ang aking puso My Calla? that sounds so sweet. Ilang minuto ng wala ang kanyang sasakyan bago ako matauhan. Matamis akong ngumiti
"Goodnight Mr. Antipatiko "