Sinuntok nang sinuntok ni Titus ang punching bag dito sa training room ng Silver Moon Pack. Gusto nitong ibuhos lahat ng frustration dito. Natapos nalang ang annual meet-up ng mga Alpha ay hindi pa din nakakausap nito ang mate kaya heto siya ngayon nagpaiwan para makuha ang loob ng kanyang kabiyak. Si Styx at ang iba pang mga kasama nito ay umuwi na sa Pack nila. Tinawagan na din nito ang pamilya para sa plano nito and they agreed on it. Alam naman kasi nilang hindi mapapalagay ang wolf niya kapag malayo sila sa mate nila. Pumayag din naman si Alpha Dwight at Alpha Crater na manatili siya dito. They also want to give him a chance na hindi na niya pwedeng sayangin dahil kung hindi ulo na niya ang kapalit sa huling pagkakamali nito kapag nasaktan pa nito ulit ang mate niya. Marahil, wala

