“It's okay, bro. Marami pang araw. Hindi naman kami aalis dito hangga't hindi inuutos ni Selene o kaya hindi pa kayo maayos ng kapatid kong sintigas ng bato na ang puso,” wika ni Alpha Crater habang tinatapik si Titus sa balikat. Napailing-iling pa ito habang nakatingin sa mate niyang na nakapikit na nakasandal sa puno ng santol na paboritong akyatan ng mga bata kapag naglalaro. Ito din ang pahingahan niya noon kapag pagod siya mula sa trabaho dito sa Pack. Atleast, kahit hindi nito alam na ito ang paboritong spot ni Alpha Titus. Callum howled happily while watching their mate sleeping peacefully. She's like an angel while sleeping. Hindi gaya kanina na lahat ng nakatingin sa kanya ay sinisinghalan niya. Napapikit ang magaganda nitong mata walang mababanaag na bagsik dito o anumang g

