Nang nagtungo na ang ina upang ilagay sa fridge ang ilang pinamili nito ay agad siyang lumapit kay Harvey. "Is it true?" Tanong rito. Napakunot noo si Harvey sa tanong na iyon ni Sabinah. Kanina lamang ay siya ang nagtatanong ng salitang iyon. "True na alin? Na buntis ka?" Maang na tanong. Nagtaas ng kilay si Sabinah. "Hindi! Na tumaba ako?" Tanong rito. Nakitang ngumisi si Harvey saka sinipat siya nito. Nakakaloko ang nakikitang ngisi nito. Ang nakataas na kilay kanina ay ngayon ay nagsalubong na sa inis kay Harvey. "Ewan ko sa'yo," aniya nang hindi na mahintay ang sagot nito. Papasok na lang siya sa silid at titignan sa full size na salamin. "Saglit lang. Akala ko ay kakain ka pa?" Awat ni Harvey sa kaniya nang ma