Saktong naagaw ng pansin niya ang babaeng nag-aabang sa lobby. Si Maricar at napatigil siya nang makita ang kalong nito. Napansin yata nito na may nakamasid rito kaya nagtaas ng tingin nito at nang magtama ang mata nila ay nahihiyang yumuko ito. Kahit papaano ay napangiti ako. Looking at her, mukhang binago ito ng pagiging ina nito. "Hi," bati rito. Tila nabigla ito sa paglapit niya. Nakatingin lang ito at hindi makapagsalita kaya inunahan na niya ito. "Hinihintay mo ba si Richard? Bakit hindi kayo umakyat?" Sunod na tanong rito. "Ah—hindi na. Bawal din naman bata roon," anito. Tulog ang baby nito at sa tabi ni Maricar ang baby bag nito na tila puno ng gamit ng bata. Napahawak siya sa tiyan niya. "Masaya ako at nagkabalikan kayo ni Richard," turan niya. Muling tumingin si Maricar