"Salamat Sabinah. Nagsisisi ako sa nagawa ko sa'yo. Sayang at pinakawalan ko ang isang ginto," anito. Ngumiti siya. "Ang batang dinadala ni Maricar. Kung ako ay ginto sa tingin mo. Siya naman ay isang diyamante at nawa ay mas wais ka ngayon," aniya. Nagmamadali pa naman si Harvey dahil kanina pa niya pinahanda ang surpresa para kay Sabinah. Umalis lang siya dahil kukunin niya ang pinagawang singsing para rito. Hindi kasi niya nagawang bumili ng singsing para sa engagement party nila at gusto niyang memorable ang gagawing pagbibigay rito. Isang proposal ang inihanda rito kaya kinuntyaba pa niya si Hershey na sabihing may meeting siya tapos ganito ang madadatnan sa restaurant. Inis siyang lumapit sa dalawang tila seryosong nag-uusap lalo pa at ha