CHAPTER TWENTY-EIGHT

1206 Words

"DAMN! Ito na ba ang ibig sabihin ng kabang lumulukob sa akin nitong mga nakaraang araw?" Hindi napigilan ni Hinang Princess Ann ang napamura dahil sa ibinalita ng mga pamangkin. "Bakit po, Tita? May nagparamdam po ba sa iyo lately?" balik-tanong ni Jandel. Pamangkin niya ito sa mahal na asawa. Ngunit hindi iyon sagabal upang maging others sila sa isat-isa. "Yes, Hijo. Sa katunayan ay iyan ang pinag-uusapan namin ng Tito ninyo kaninang hapon," tugon niya. "Kung ganoon po ay nararapat lamang na dumulog tayo sa mga alagad ng batas---" Kaso hindi rin natapos ni Jandel ang nais sabihin dahil bigla namang sumulpot ang kapatid na si Jhay-R Andya II o ang kasalukuyang Major General ng Camp Villamor. Pero hindi agad nagsalita dahil habol-habol ang hininga. Kaya naman ay inabutan niya ito ng m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD