"SINAYANG mo ang iyong pagkakataong mapabilang sa pamilya namin, Susan," malungkot na wika ni Phillip Carlo. "Sa akala mo ba ay gusto kong maging nanay ng malditang iyan? Never! Siya ang dahilan kung bakit nagawa ko siyang dukutin!" sigaw nito. "Dinukot mo pero hindi ka naman nag-ingat, Hija. Alamo ba kung sino ang nagbigay ng tips kung bakit nalaman ng nga barako kong anak kung nasaan ka at si Alicia? Ang seven years old kong apo, Ralph Javier." Dahil hindi na rin nakapagtimpi si Ginang Scarlette ay sumabad na siya. "Kahit sino pa sa inyo ay wala akong pakialam! Ngunit ito ang ipinapasigurado ko, kahit maibalik pa ang panahon ay hindi magbabago ang kilos mo. Dudukutin at ilalayo ko ang---" Kaso hindi na iyon natapos ng kasintahan ni Phillip Carlo. Dahil ito mismo ang humablot. "Lil