DAHIL hindi naman siya sanay sa construction works ay para siyang lantang gulay pagdating niya sa tinitirhan ng hapong iyon. "Wala akong pinagsisisihan sa daang aking tinatahak pero ramdam na ramdam ko ang pagod ko ngayong araw," bulong niya habang pabagsak na naupo sa pang-isahang sofa. Kaso hindi pa umiinit ang kaniyang puwet sa pag-upo ay may naulinigan siyang dumadaing. "F*ck! Aba'y hanggang dito ba naman ay sinusundan ako ng bulong na iyan? Tama, marami na ang namatay sa aking baril. Pero dahil naman ito sa trabaho ah," inis niyang sambit saka muling ipinikit ang mga matang hinihila ng antok dahil sa pagod. Pero mas sumidhi ang inis niya dahil mukhang hindi lang siya nagdedileryo. Dahil ang dumadaing ay kumakatok na sa pintuan ng maliit niyang apartment. "TangNa namang buhay! F*c