"SAAN tayo pupunta, honey?" maang na tanong ni Raven Andrew sa kasintahan. "Let's say, mamasyal tayo, Honey. A few days from now, we will go back to my country already for our work," tugon nito. Kaso, dahil wala naman siyang matandaang nag-usap silang mamasyal sa araw na iyon ay muli siyang nagtanong. "Ang tanong ay saan tayo mamasyal ngayon, Hon? Ikaw na rin ang nagsabing ilang araw mula ngayon ay babalik na tayo sa United Kingdom. May nakalimutan ka pa bang pasyalan?" patanong niyang sambit. Ngunit sa isipan niya ay talagang wala siyang balak umalis sa araw na iyon. Dahil kung may pupuntahan man siya ay sa lugar kung saan siya maaring makakuha ng lead sa babaeng ilang taon na ring pinananabikan. "Honey, sa katunayan ay gusto kong nagtungo tayo sa La Union. I want to roam that hacien