PUMUNTA ako ng police station at naghain na ng reklamo sa pagka-scam ko, pati na rin ang may ari ng mansion ay pumunta na rin. Doon ko napag-alaman na mga caretaker pala nila ang nang-scam sa akin, kaya pala ang dali lang kung papasukin ako ng mga manlolokong ’yon sa mansion. Alam din nila kung kailan ang uwi ng may ari dahil amo nila, kaya pala pinapamadali akong pabayaran agad. Pero makikipagtulungan naman daw sa akin ang may ari ng mansion oras na malaman kung saan na nagtatago ang kaniyang mga caretaker. Para akong naubusan ng lakas. Humiwalay na ako sa mga kaibigan ko at sinabi sa kanila na huwag na muna akong pakialaman o kausapin dahil kailangan kong mapag-isa. Hiyang-hiya kasi ako sa kanilang lahat, at ayokong umiyak sa harap nila, magmumukha lang akong katawa-tawa. Pumunta na l