Tawang-tawa ako nang makabalik na sa apartment ko. Natakasan ko si Brain Damage nang mahubad ko ang suot na maskara, dahil imbes na labanan pa ako nito ay mas pinili na lang tumalikod sa akin para itago ang kaniyang mukha at nang sa gano'n ay hindi ko makilala. Pero ang nakakatawa ay denelete nga niya ang naka-save na number ni Mr. SX, pero nakalimutan niyang natawagan ko at naroon pa rin ang number sa call history. Kaya kahit denelete niya ay meron pa rin akong number. Hindi nasayang ang pakikipagkita ko sa kaniya at nagantihan ko pa, naturuan ko ng leksyon ang kaniyang p*********i. Ngayon ay hindi ko mapigilan ang kiligin sa mga palitan namin ng text message ni Mr. SX. Nagpakilala na agad ako, at makikipagkita na siya sa akin mamayang gabi. I'm so excited to finally meet him. Wala na