MABILIS akong napabalikwas ng bangon at tumakbo papasok ng banyo. Agad akong sumuka nang sumuka sa toilet bowl, at nang matapos ay parang umikot pa ang paningin ko sa aking pagtayo. Pero nang akmang lalabas na ako ng bathroom ay agad akong napahinto nang may mapansin sa isang tabi. Gano’n na lang ang gulat ko nang makita kung sino ang nakatayo. “Ma’am Dorothy?” “Tsk. Can you just stop calling me ma’am? I already told you last night,” asik nito sa akin at sinimangutan pa ako bago humarap sa salamin at pinunasan ang basang mukha gamit ang bimpo. Umawang ang labi ko. Hindi naman ako makapaniwala. “Rothy, bakit ka narito sa—” Napatingin ako sa paligid. Parang nagulat pa ako nang mapagtantong narito na pala ako sa apartment ko. “How did you came here?” puno ng pagtataka ko nang tanong. “