NAKARATING kami sa private bar ng mga Carpe, kasama namin sina Nikko and Marco, hindi kami pʼwedeng umalis na wala sila lalo naʼt kahit hindi namin sila yayain ay sasama pa rin naman sila sa amin. "Nandito na tayo, guys!" malakas na sabi ni Nikko at bumaba na kaming lahat sa kotse pagkaparada nila. Nakikita ko na ang mailaw sa loob ng pagmamay—ari na bar nina tito Nikkolo. I need to calm, I need to. Hindi lamang iyon dahil buntis ako kaya paaalalahanan ko ang aking sarili na hindi ako pʼwedeng uminom. "You are finally here." Nagulat kami nang salubungin kami ni tito Nikkolo rito sa entrance pa lamang. "Zyran, nandito na silang lima. Ako na ang bahala sa kanila." Narinig naming sabi niya, mukhang kausap niya si dad. "Si dad po ba iyon, tito Nikkolo? I asked him. "Yes, pinapababanta