SELENA POV LUMALIM ang gabi na wala kaming nakuhang report mula sa hospital. Hindi pa rin umuuwi si Mr. Kalarin and si uncle Zyran. Sila kasi ang pumunta sa hospital para i—check ang kalagayan ng tauhan ng Blackwood. Kaya heto si Poppy ay umiiyak pa rin. “Selena... Millie... Si Kaladin.” Kanina pa siya nagsasalita at umiiyak dahil nakita niya si Kaladin na nakadapa sa kalsada kanina bago kami tinangay ng tauhan ng Blackwood. Hindi nga kami nagkakamali ni Millie na si Kaladin ang nakita namin kanina. “Huwag ka na umiyak, Poppy. Paniguradong maayos lang si Kaladin... Sabi mo nga, masamang damo siya? Kaya paniguradong kakayanin niya kung tinamaan man siya ng bala mula sa kalaban.” Pinili ko ang salitang lumabas sa bibig ko. “I—I know... P—paano kung hindi na niya kayanin? Paano kung

