THIRD POV NAHIHIWAGAAN si Poppy sa lalaking kumausap sa kanya, bigla na lamang ito nagsalita na patungkol sa buhay niya. Hinayaan na lamang ng dalaga na magsalita ito hanggang napagod na yata at umalis. “Anong klaseng lalaking iyon? Bigla—bigla na lamang sinasabi ang pangalan niya? Baliw siguro ang isang iyon, ano? Then, he said my Poppy at inamoy—amoy pa niya ang buhok ko. Heʼs a psycho!” kausap niya sa kanyang sarili at muling kumain na lamang ang dalaga. Napahinto sa pagkain si Poppy nang dumilim ang buong paligid, sa pagdilim na iyon ay dumating na rin ang dalawang kuya at dalawang pinsan niya. “Whereʼs dad and mom? Hindi pa ba sila bumabalik, my pretty sister?” tanong sa kanya ni Sunniva, ang panganay sa kambal niyang kapatid. Umiling si Poppy sa tanong ng kuya Sunniva niya. “N