“BUNTIS ka?” sabay nilang sabi sa akin at napatingin sila sa aking tiyan. Dahan—dahan akong tumango sa kanilang dalawa. “K—kailan pa? Wait—noong nasa Japan tayo? Noong nawala ka ng isang gabi?” sunod—sunod na tanong ni Millie sa akin. Napaiwas ako nang tingin at tumango sa kanya. “Yes, I am. But, donʼt worry simula nang araw na iyon ay pinahanap ko agad si Poppy, pero nakaalis agad kayo papunta sa Tokyo at bigla na rin kayong nakauwi ng Philippines. Natagalan akong nagpakilala dahil may ginawa pa akong importante, pero may nakasunod sa kanya habang wala ako.” Si Kaladin ang sumagot. “By the way, Iʼm Kaladin Blackwood from Osaka, Japan and half Filipino. CEO ng Black Bar, Black Technology Company and Black Hotel and Restaurant,” pagpapakilala niya kina Selena and Millie. Napatingin sila